Ako'y Maghihintay Lyrics - Mark Bautista & Sarah Geronimo


Ako'y Maghihintay Lyrics - Mark Bautista & Sarah Geronimo

Alam kong ikaw ay bata pa walang malay sa mundo
Ngunit damdamin ko sayo'y tila nahuhulog
Bata mang ituring ako'y mayroong pagtingin
H'wag mo sanang mapansin ako'y naglalambing

Dahil hindi pa tamang panahon upang magmahalan
Kahit na puso ay nasasaktan

CHORUS:
Ako'y maghihintay lamang sayo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay kahit umabot pa'ng habang buhay
Ako'y maghihintay (Ako'y maghihintay)

Habang ako'y naghihintay h'wag sanang magbago
Hindi ko kakayanin ang ikaw ay lumayo
Darating din ang araw at sasabihin ko
Kung ano ang tunay kong nadarama sayo

Ngunit hindi pa tamang panahon upang magmahalan
Kahit na puso ay nasasaktan

CHORUS:
Ako'y maghihintay lamang sayo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay kahit umabot pa'ng habang buhay


Ay hindi magbabago (hindi magbabago)
Ang damdamin ko sayo (ang damdamin ko sayo)
At balang-araw ay magtatagpo ang mga puso

CHORUS:
Ako'y maghihintay lamang sayo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay kahit umabot pa'ng habang buhay

Ako'y maghihintay (Ako'y maghihintay)
Ako'y maghihintay (maghihintay)